Sunday, February 14, 2010

Ngiti ng buwan
(pasintabi sa makatang si Ted Kooser)

Kung hindi ko man nasumpungan
ang iyong ngiti
sa kabigatan ng maghapong abala,
sana, gaya ng makata'y
maging magaling ako
sa pagbubuhat ng kalungkutan;
Kung ang mukha ko ma'y
isang maskarang habi
ng mga aninong ngayo'y
lumulukob sa akin,
nawa'y ngiti pa rin ng buwan
ang pasalubong ko sa mundo
ng aking takipsilim.



2.14.10

2 comments:

I believe said...

Is this a translation? Wow! Very good and very engaging.

Romel said...

Well,I took a poem by Ted Kooser and used it as a take off point...I appropriate some of his lines -- from English -- I transposed them to Filipino and reworked them...